Nung bata ako, naisip ko na gusto ko maging lalaki. Ang swerte kasi ng mga lalaki e. Kaya ang siga ko noon. (Sige na nga, hanggang ngayon) Biruin mo, kung lalaki ka, pwede kang maglaro kahit malayo sa bahay nyo. Pwede ka pumunta sa bahay ng kaibigan mong lalaki. Pwede kang umakyat ng puno. Mag-bike kahit pasado ala-sais na ng gabi. Maglaro ng baseball. At magbasketball!!!!!
Kahit na ngayong paglaki ko, minsan naiisip ko pa rin na swerte ang mga lalaki. Biruin mo kapag pupunta ka nang kasalan, hindi mo na kailangang mag-isip ng susuotin. Kahit isa lang ang barong mo, hindi mapapansin. Hindi ka nagkakaroon ng "that time of the month". Ang sakit pa naman talaga nun. Hindi ka mabubuntis. Pag naka-buntis ka, pwedeng hindi mo aminin if "you're not ready". Pwede kang magpaka-dense. Magpaka-manhid. Kung hindi mo type ang isang babae, e di huwag mong ligawan! At kung type mo naman, pwedeng-pwede mag-da moves kaagad! Ay, depende pala kung may boyfriend na. (In that case, dahan-dahan lang...)
Pero... babae ako. Sige na nga. Ok na rin.
2 comments:
haha. ang kuleeettt! :)
"Kung bakit mas mabuting maging babae"
Nung bata ako, da best talaga maging lalaki. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo ng walang mag-aalala sa iyo. Kahit buong araw kang nasa gubat naghahanap ng gagamba na 'botsog' para panlaban sa Tarantula ng iyong kaaway na si Jun-jun, walang naghahanap sa 'yo. Ok din na naglalaro ka ng Chinese garter ng walang brief kasi di ka naman masisilipan. Pwede rin maglaro ng Doktor Kwak-kwak kasi wala naman mahihipo sa 'yo.
Pero ngayong matanda ka na, iniisip mo mas maigi palang maging babae. Bakit? Kasi, makakapili ka talaga ng lalaki na gustong gusto mo, lalo na kung maganda ka. Kasi, ikaw ang nililigawan! Ang kailangan mo lang ay mamili. E ang mga lalaki, kahit type nila, madalas di nila makuha. Di kami makapamili kasi kung pipili kami, yung gusto pa rin ng babae ang nasusunod. Kapag isa kang kabigha-bighaning dalaga, ikaw ang pinipilahan. "one of a kind" ika nga. Kapag ikaw ay isang binatang maginoo at gwapo, ikaw pa rin ang pipila sa babaeng iyong iniirog.
Oo nga at di ka dinadatnan buwan-buwan, at di ka nabubuntis, ngunit mas masakit naman matuli, makabuntis, at mapikot. Kung hindi ka man ma-shotgun ng tatay ng iyong nabuntis, sira na ang iyong reputasyon sa halos lahat ng kababaihan na iyong kilala. Kung gusto mong maging komportable ang iyong buhay, MAGSUMIKAP KA! Ngunit kung ikaw ay isang babae, mag-aasawa ka lang ng isang mayaman at komportable ka na.
Post a Comment